Sunday, December 4, 2011

5 kilong kahihiyan. 3 kilong dignidad. 2 kilong tapang.

5 kilong kahihiyan. 3 kilong dignidad. 2 kilong tapang.

Sa buhay nating mga tao, hindi maiwasan na tuwing tayo ay magkakasama may ilang tao or isang particular na nilalang ang mamumurder sa tsismisan. (ganyan nga, tumango ko na lang.)

Iniisip ko paano nauso ito. Una marahil ay dala ng boredom na sinundan ng inggit at gutom. Hindi ko makita ang rason bakit kailangan pagtsismisan o manira ng kapwa. Sa totoo lang hindi cool. Ito ang tunay na boring.

May ilan naman kunwaring nagtatanong dahil concern, pero sa totoo lang curious at boring ang buhay nya. Meron naman naoobligang magtanong dahil iniisip n’ya yun ang basic na dapat gawin ng isang normal na tao. Pero ‘wag ka, meroon pa ring nagtatanong dahil tunay siyang concern sa’yo.

Mapa-babae, lalake, bading at tomboy lahat tayo mahilig sa tsismis. Ang sarap kasi makinig ng tsismis no?! (Minsan oo, minsan hindi.)

Ano bang meron sa tsismis at baho ng ibang tao?

Siguro para sa ilan, gaya mo, nakakagaan ng loob ang mabalitaang mas “spectacular” ang buhay mo kaysa sa kanya.

Marami na akong narinig na tsismis, at naging biktima na din ako ng mga matang hindi pantay kung tumingin na maaring nagbigay ng kakitiran sa kanyang utak.

Para sa mga backstabber bumili naman kayo ng limang kilong kahihiyan at tatlong kilong dignidad, samahan nyo na rin ng dalawang kilong tapang, kung may problema kayo sa tao mas magandang kausapin n’yo, ‘wag sa talikuran. Nakakababa ng dignidad eh, lalo na ‘yung makikibeso ka pa at ngingiti kapag harapan.

At para naman sa mga supportive friend, ‘wag ng manggatong, para hindi na lalong sumiklab ang damdamin ng taong naapi.

Marahil mas tahimik ang mundo kung iisipin nating lahat na mas mabuti yung ibang tao kaysa sa atin. (naks! Biblical yan!)

"na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pag-iisip, na ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kaysa sa kaniyang sarili"- Fil. 2:3

"do nothing out of selfish ambition or vain conceit. Rather, in humility value others above yourselves"- Philippians 2:3

Pasensya na sa mga nakasamaan ng loob ngayong taon. Patawad. Laging tandaan kung hindi ka marunong magpatawad, wala kang karapatang magkamali. 

Ciao.
Eri

No comments:

Post a Comment