Ngayong December, masarap magshopping lalo na kung may budget ka, pero paano kung short ang budget sa dami ng gusto mong bilhin at kung hindi naman marami ay napaka-mahal.
Ito ang wish list ko ngayong December na mabibili sa mga suking pamilihan:
1. Cool na laptop bag. (P 2,600)
2. Jacket Pilipinas/Bandila (seryoso gusto ko magjacket na may burdang Pilipinas) (P 1,699.00)
3. Jacket na pang-presscon or pwede pangfield. (P 999)
4. Limited edition na leather bag sa SM. (1,199)
5. 1TB portable Hard disk. ( P4,750)
6. Bagong badminton bag. (2,000 naka-10% discount, head ang tatak)
7. Wilson o kaya Yonex na raketa yung kulay white at black. (P 4,500-P7,000)
Hindi ko na kinumpyut kung magkano kasi P 2,000 lang naman ang budget ko ngayon. Hahahaha. (hindi ako makahirit kay popsikel at mamsi ngayon kasi ang laki ng gastos at sa kanila na galing yung tumataginting na dalawang libong piso hahaha)
Hindi ko naman kayang sumali sa mga noontime show contest, hindi ko carry dalhin ang parents ko at ikwento ang nakakaiyak na part ng buhay namin o kaya magsayaw sayaw at magpakitang gilas sa harap ng maraming tao nationwide, kaya naghahanap ako ng solusyon para maging praktikal ngayong buwan na ito.
Gusto kong maging matalinong mamimili ngayong December, ganito pala kapag tumatanda pinag-iisipan mo na din ang pamimili, pero ayos na din ito kasi kapag bata ka at nanay mo ang bibili sa Mall, yari ka kung kapareho mong babae o lalake yung nauna or sumunod sa’yo kasi tyak pareho kayo ng damit iba lang ang kulay ng lining or print. (ganyan kapag nanay, fair daw!)
So, anong solusyon ang naisip ko?
Ilista ang mga priority sa buhay liban sa makapaglingkod sa Dios, makatapos sa pag-aaral, makapagtrabaho at makatulong sa pamilya.
Bukod sa mga nasabing priority ang gusto ko gawin ay pumunta sa Muang Thai Spa, magpafull body massage at magrelax. Dahil mahilig ako sa discounts and promos, pupunta ako sa Muang Thai bukas, may promo kasi sila kapag pupunta ka dun sa pagitan ng 12noon to 6pm. (50% discount!)
Seriously, liban sa pagpunta sa spa at magkaroon ng panibagong gastos mas maganda unahing bilhin ‘yung mga bagay na mas mahalaga at hindi makakapaghintay, halimbawa dahil malamig ngayon maganda bumili ng jacket at dahil may jacket naman na ako, ‘yun na lang muna pagtyatyagaan ko, may luma naman akong laptop bag na maayos pa, ‘yun na din ang gagamitin ko (plus bumili pa si mama ng laptop bag para sa akin, hindi nga lang backpack, pero ayus na din.), marami naman akong bag hindi ko na kailangan nung limited edition na napakagandang bag na yon (ouch!), tapos may HD naman ako kaso disaksak sa kuryente pero ayos na din may kuryente naman kami sa bahay, ayus pa naman ang raketa ko kaya saka na lang ang mamahaling raketa na ‘yun, pwede pa naman din yung badminton bag ko kaya hindi na ako bibili ng bago. Problem Solved.
Sa madali’t sabi, isipin muna natin kung kailangan ba talaga natin yung mga bagay na gusto natin kasi baka nadadala lang tayo sa panahon na kung saan maraming nagsho-shopping, discounts, promos at may solemn na background music habang namimili.