Friday, December 30, 2011

TOKEN

And they are calling it “token”, tapos may mahabang version “token galing kay Mayor”.

Pero sa school, books, internet, ang tawag namin “envelopmental journalism” di ko akalaing sa real world Token ang tawag, akala ko may mas cool na words ang ginagamit gaya ng magic envelop, lucky charm at panggala.

Kahapon (Dec.30,2011) may kinover kaming event, nandoon ang mga kasamang media syempre, at ayun si secretaring-may-malaking-eyebag ay namimigay ng sobreng may pera, galing daw kay Mayor na may super smooth face.

Isa-isang nilalapitan ang mga reporter ng dalawang alipores ni Mayor, dahil malapit sya kay male tv reporter ng kabilang tv station una n’yang inabutan, nagpakipot muna ng una itong si male reporter, pero kinuha n’ya na din at pumirma s’ya sa pinapasign ng secretary ni mayor.

Hinihintay kami ng tuta ni mayor, di s’ya makadaan kasi masikip kaya nung papatayo na kami ng mga kasama kong news team sa table, tinawag ako ma’am, token po para kay mayor. Ang sinabi ko ‘wag na po. Nakangiting parang mabait na tuta si secretary at sinasabing ma’am para po sa inyo ito, TOKEN lang po galing kay Mayor. Sinagot ko ulit “hindi po”.

Tapos biglang bwelta ng bruha, “oh sige ma’am, pirma ka na lang po dito”.

TAKE NOTE: ang mga kumuha ng pera lang ang pinapapirma dun, para ata for monitoring haha! Hindi nga ako tumanggap ng suhol bakit ako pipirma, pero dahil kailangan ko pa ring maging isang mabuting tao painosente kong tinanong kay ateng secretary.

“para saan po ba yang pipirmahan?” tanong ko, habang binabasa ko yung paper kung saan daw kailangan pumirma kasama ang station or publisher na kinabibilangan, 3 na nakapirmang reporter, at medyo marami rami pa ang hawak na sobre ni secretary.

“ma’am, para po ito sa mga media na umattend ngayon”

Kulang ang sagot ate, dapat “para po ito sa mga media na umattend ngayon na tatanggap ng pera.”

Pero ito ang sinagot ko. . .
“ah, nag-attendance na po kami, nagregister na po kami kanina.” Sabi ko habang naka-ngiti at tumalikod na ako, kasama ng news team na kinabibilangan ko.

Sabi ni kuya na kasama ko sa news team habang naglalakad kami sa parking area, pinapapirma ka nun kahit hindi mo kukunin kasi ibubulsa na n’ya yon, nangyari na din daw dati yon, hindi nga tinanggap ng journalist, ibinubulsa naman ng mga alipores, pero ang alam ng official na nagpapabigay kinuha nga nung reporter.

Nakakalungkot isiping tinanggap ng ibang mga kasama sa media ang sobre.
Ngayon nakakaramdam ako ng takot, para sa mga susunod na journalist. May kilala kasi akong future journalists na nakikita kong nakabungisngis na tatanggap ng sobre balang araw.
Wala naman ako sa posisyon at ayaw kong maging Madame Auring para sabihing ‘wag na s’yang magjournalist kasi nakikita kong tatanggap siya ng suhol este token sa future. Pero maari ding mali ako at sana nga mali ako.

Hindi ako mayaman, pero hindi ko tinanggap ang pera, kasi ‘yun ang alam kong tama, (bukod pa sa ilang beses na idinikdik sa amin dati yan sa code of ethics at KBP Code of 2007). Ang unang loyalidad namin ay para sa publiko at katotohanan, ayaw kong mabahiran ‘yung prinsipyo, pananaw at pangalan ko sa mundo.

Hindi ako kay mayor nagtatrabaho, kaya hindi ako tatanggap ng pera mula sa kanya, liban na lang kung s’ya ang tatay ko. J

P.S.: Sa totoo lang hindi ko alam bakit namimigay pa si Mayor ng pera sa media, eh magaling na mayor naman s’ya, liban kay Binay baka s’ya na ang next favorite ko na naging mayor sa buong Pilipinas. Naisip ko tuloy, siguro dahil akala niya o nila na nag-eexpect ng pera ang mga kasama sa media mula sa kanila, para gawing motivation na makapagsulat ng magandang balita.

Wednesday, December 28, 2011

shift

I'll let the pictures speaks for itself... (December 28,2011- The Journey)

with cute little aetas from Zambales.

the tallest guy i've ever talked to.(6'3")

with Clark Development President Felipe Remollo
                                    
forming the heart-shaped human chain in parade grounds, stotsenburg (with Mayor Ed Pamintuan and Gov. Lilian Pineda)
         
heart-shaped human chain expressing love and solidarity for families in Cagayan de Oro and Iligan City.
and finally the less distinct me. (holding the candle)