Dear December,
May dalawang bagay na nagtulak sa akin para mag-blog ngayong gabi
Una, ang aking karanasan sa jeep.
Minabuti ko na lang hindi makipagtalo sa driver (maraming tulad n’ya!) na laging kulang magsukli o hindi ko lang alam na nagtaas pasahe na naman?!
Oo, piso nga lang ang kulang pero nakakainis ang obvious na kasing naka-uniform kami, long sleeves na blouse naka-necktie at ID pa ako, hindi pa rin estudyante ang turing at singil sa amin buti na lamang may isang batang nangangaroling na nagpasaya ng aking puso.
Eh paanong hindi ka matutuwa sa batang yon sabi n’ya kasi. . .
“we miss you a merry Christmas, we miss you a merry Christmas, we miss you a merry Christmas and a happy nu yir!”
badtrip lang ‘yung nanay na katabi ko panay sabi sa anak n’ya . . .
“oh kapag wala kang pera alam mo na ang gagawin mo ha” (inulit n’ya to ng 100x!)
Oo na, mayaman na kayo, sila ng walang pera! Hindi naman ginusto ng mga batang to siguro na kantahan kami (namamaos na nga si utoy), nakakaiyak lang, kasi pinagmasdan ko s’yang kantahan pa ang ibang pasahero ng ibang jeep, halata sa kanya na pagod na pagod na s’ya at gusto ng tumikim ng max candy.
Moving on. . . Pangalawang reason kaya nagblog ako ngayong gabi ay dahil kay ate na cashier ng super 8!
Sa super 8 kasi may tinatawag silang negocho card, ito yung card na sa tuwing bibili ka ibibigay mo sa cashier bago ka magbayad, sa tuwing gagawin mo ‘yon may corresponding points. So yun, 2 weeks ko ng di nadadala yung card tuwing nag-gogrocery ako (1700-2000 pesos ang grocery namin per week)
Grocery scene. . .
Cashier: Ma’am may negocho card po?
Ako: Naiwan ko po sa bahay.
Cashier: Ay ganon po ba? Sayang naman po.
Ako naman tuloy lang ang paglalagay ng pinamili dun sa silver na parang mesa para mai-punched n’ya na, maya-maya. . .
Cashier: Ma’am sigurado po ba kayong hindi n’yo dala? Kasi sayang talaga ang points! Sayang po s’ya ma’am.
Waaaa. Now I feel bad. I hate you ate! Huhuhu
Feeling ko tuloy may libre na sana akong kotse kung hindi ko naiwan ‘yung card sa bahay. Psh!