Friday, December 30, 2011

TOKEN

And they are calling it “token”, tapos may mahabang version “token galing kay Mayor”.

Pero sa school, books, internet, ang tawag namin “envelopmental journalism” di ko akalaing sa real world Token ang tawag, akala ko may mas cool na words ang ginagamit gaya ng magic envelop, lucky charm at panggala.

Kahapon (Dec.30,2011) may kinover kaming event, nandoon ang mga kasamang media syempre, at ayun si secretaring-may-malaking-eyebag ay namimigay ng sobreng may pera, galing daw kay Mayor na may super smooth face.

Isa-isang nilalapitan ang mga reporter ng dalawang alipores ni Mayor, dahil malapit sya kay male tv reporter ng kabilang tv station una n’yang inabutan, nagpakipot muna ng una itong si male reporter, pero kinuha n’ya na din at pumirma s’ya sa pinapasign ng secretary ni mayor.

Hinihintay kami ng tuta ni mayor, di s’ya makadaan kasi masikip kaya nung papatayo na kami ng mga kasama kong news team sa table, tinawag ako ma’am, token po para kay mayor. Ang sinabi ko ‘wag na po. Nakangiting parang mabait na tuta si secretary at sinasabing ma’am para po sa inyo ito, TOKEN lang po galing kay Mayor. Sinagot ko ulit “hindi po”.

Tapos biglang bwelta ng bruha, “oh sige ma’am, pirma ka na lang po dito”.

TAKE NOTE: ang mga kumuha ng pera lang ang pinapapirma dun, para ata for monitoring haha! Hindi nga ako tumanggap ng suhol bakit ako pipirma, pero dahil kailangan ko pa ring maging isang mabuting tao painosente kong tinanong kay ateng secretary.

“para saan po ba yang pipirmahan?” tanong ko, habang binabasa ko yung paper kung saan daw kailangan pumirma kasama ang station or publisher na kinabibilangan, 3 na nakapirmang reporter, at medyo marami rami pa ang hawak na sobre ni secretary.

“ma’am, para po ito sa mga media na umattend ngayon”

Kulang ang sagot ate, dapat “para po ito sa mga media na umattend ngayon na tatanggap ng pera.”

Pero ito ang sinagot ko. . .
“ah, nag-attendance na po kami, nagregister na po kami kanina.” Sabi ko habang naka-ngiti at tumalikod na ako, kasama ng news team na kinabibilangan ko.

Sabi ni kuya na kasama ko sa news team habang naglalakad kami sa parking area, pinapapirma ka nun kahit hindi mo kukunin kasi ibubulsa na n’ya yon, nangyari na din daw dati yon, hindi nga tinanggap ng journalist, ibinubulsa naman ng mga alipores, pero ang alam ng official na nagpapabigay kinuha nga nung reporter.

Nakakalungkot isiping tinanggap ng ibang mga kasama sa media ang sobre.
Ngayon nakakaramdam ako ng takot, para sa mga susunod na journalist. May kilala kasi akong future journalists na nakikita kong nakabungisngis na tatanggap ng sobre balang araw.
Wala naman ako sa posisyon at ayaw kong maging Madame Auring para sabihing ‘wag na s’yang magjournalist kasi nakikita kong tatanggap siya ng suhol este token sa future. Pero maari ding mali ako at sana nga mali ako.

Hindi ako mayaman, pero hindi ko tinanggap ang pera, kasi ‘yun ang alam kong tama, (bukod pa sa ilang beses na idinikdik sa amin dati yan sa code of ethics at KBP Code of 2007). Ang unang loyalidad namin ay para sa publiko at katotohanan, ayaw kong mabahiran ‘yung prinsipyo, pananaw at pangalan ko sa mundo.

Hindi ako kay mayor nagtatrabaho, kaya hindi ako tatanggap ng pera mula sa kanya, liban na lang kung s’ya ang tatay ko. J

P.S.: Sa totoo lang hindi ko alam bakit namimigay pa si Mayor ng pera sa media, eh magaling na mayor naman s’ya, liban kay Binay baka s’ya na ang next favorite ko na naging mayor sa buong Pilipinas. Naisip ko tuloy, siguro dahil akala niya o nila na nag-eexpect ng pera ang mga kasama sa media mula sa kanila, para gawing motivation na makapagsulat ng magandang balita.

Wednesday, December 28, 2011

shift

I'll let the pictures speaks for itself... (December 28,2011- The Journey)

with cute little aetas from Zambales.

the tallest guy i've ever talked to.(6'3")

with Clark Development President Felipe Remollo
                                    
forming the heart-shaped human chain in parade grounds, stotsenburg (with Mayor Ed Pamintuan and Gov. Lilian Pineda)
         
heart-shaped human chain expressing love and solidarity for families in Cagayan de Oro and Iligan City.
and finally the less distinct me. (holding the candle)

Tuesday, December 20, 2011

Shopping Spree


Ngayong December, masarap magshopping lalo na kung may budget ka, pero paano kung short ang budget sa dami ng gusto mong bilhin at kung hindi naman marami ay napaka-mahal.

Ito ang wish list ko ngayong December na mabibili sa mga suking pamilihan:
1.     Cool na laptop bag. (P 2,600)
2.     Jacket Pilipinas/Bandila (seryoso gusto ko magjacket na may burdang Pilipinas) (P 1,699.00)
3.     Jacket na pang-presscon or pwede pangfield. (P 999)
4.     Limited edition na leather bag sa SM. (1,199)
5.     1TB portable Hard disk. ( P4,750)
6.     Bagong badminton bag. (2,000 naka-10% discount, head ang tatak)
7.     Wilson o kaya Yonex na raketa yung kulay white at black. (P 4,500-P7,000)

Hindi ko na kinumpyut kung magkano kasi P 2,000 lang naman ang budget ko ngayon. Hahahaha. (hindi ako makahirit kay popsikel at mamsi ngayon kasi ang laki ng gastos at sa kanila na galing yung tumataginting na dalawang libong piso hahaha)

Hindi ko naman kayang sumali sa mga noontime show contest, hindi ko carry dalhin ang parents ko at ikwento ang nakakaiyak na part ng buhay namin o kaya magsayaw sayaw at magpakitang gilas sa harap ng maraming tao nationwide, kaya naghahanap ako ng solusyon para maging praktikal ngayong buwan na ito.

Gusto kong maging matalinong mamimili ngayong December, ganito pala kapag tumatanda pinag-iisipan mo na din ang pamimili, pero ayos na din ito kasi kapag bata ka at nanay mo ang bibili sa Mall, yari ka kung kapareho mong babae o lalake yung nauna or sumunod sa’yo kasi tyak pareho kayo ng damit iba lang ang kulay ng lining or print. (ganyan kapag nanay, fair daw!)

So, anong solusyon ang naisip ko?
Ilista ang mga priority sa buhay liban sa makapaglingkod sa Dios, makatapos sa pag-aaral, makapagtrabaho at makatulong sa pamilya.

Bukod sa mga nasabing priority ang gusto ko gawin ay pumunta sa Muang Thai Spa, magpafull body massage at magrelax. Dahil mahilig ako sa discounts and promos, pupunta ako sa Muang Thai bukas, may promo kasi sila kapag pupunta ka dun sa pagitan ng 12noon to 6pm. (50% discount!)

Seriously, liban sa pagpunta sa spa at magkaroon ng panibagong gastos mas maganda unahing bilhin ‘yung mga bagay na mas mahalaga at hindi makakapaghintay, halimbawa dahil malamig ngayon maganda bumili ng jacket at dahil may jacket naman na ako, ‘yun na lang muna pagtyatyagaan ko, may luma naman akong laptop bag na maayos pa, ‘yun na din ang gagamitin ko (plus bumili pa si mama ng laptop bag para sa akin, hindi nga lang backpack, pero ayus na din.), marami naman akong bag hindi ko na kailangan nung limited edition na napakagandang bag na yon (ouch!), tapos may HD naman ako kaso disaksak sa kuryente pero ayos na din may kuryente naman kami sa bahay, ayus pa naman ang raketa ko kaya saka na lang ang mamahaling raketa na ‘yun, pwede pa naman din yung badminton bag ko kaya hindi na ako bibili ng bago. Problem Solved.

Sa madali’t sabi, isipin muna natin kung kailangan ba talaga natin yung mga bagay na gusto natin kasi baka nadadala lang tayo sa panahon na kung saan maraming nagsho-shopping, discounts, promos at may solemn na background music habang namimili.

Monday, December 19, 2011

Boses ni Pnoy


Sa panahon ng kalamidad gaya ngayon ang boses ng pangulo ay nagiging masarap na samyo para sa ating mga kababayan, boses ni Pnoy ang nais nilang madinig hindi mga boses ng sinomang spokesperson n’ya.

Hindi ko alam kung ang motto ba ni Pnoy ay “less talk less mistakes” kasi kahit nung umattend kami ng 37th KBP Conference hindi din s’ya nagpapresscon, bagaman sinabihan kami na magkakaroon ng presscon. Nagbigay lang s’ya ng napakagandang speech at bumisita sa mga bagong gagamiting technology sa broadcasting nung panahon na ‘yun tapos umalis na s’ya.(infairness, maganda ‘yung binigay n’yang speech)

During the conference inabisuhan pa nga kami na “bawal magtanong”, hanggang sa nagkaroon ng konting initan sa pagitan ng media at mga official na nanduon.

Isa sa natatandaan ko nung mga panahon na ‘yun ay ang matapang na Journalist na si Ma’am Tonnete Orejas at ito ang mga katagang binitawan n’ya. . .

“wag n’yo kami bawalang magtanong, media kami. Trabaho naming magtanong kaya ‘wag n’yo kaming bawalan.”

Isang rason na natatandaan ko bakit ayaw ng pangulo na magpainterview sa media ay dahil sa binabatikos diumano ang kanyang lovelife at pinaparatangan s’yang nag-dodota, pero sana naman sa panahon na ganito na kailangan s’ya marinig ng mga kababayan natin sa Cagayan at Iligan, marinig s’ya.

Bukod sa tulong na magagawa ng pangulo para sa mga taga-cagayan at iligan, magandang madinig din yung suporta at concerned n’ya mula sa bibig n’ya at hindi ng napakarami n’yang tagapagsalita.

S’ya nga pala sa ngayon, wala akong pakialam kung umattend s’ya ng Christmas party o hindi, hindi naman kasi ako apektado kung may raffle o exchange gifts. 

Saturday, December 17, 2011

malevolent

i'm not (really) malevolent (inside). . . pero sa dami ng ikinalat mong tsismis sa mundo IKAW na talaga ang naalala ko sa tuwing naririnig at nakikita ko tong video ng Parokya ni Edgar, Silvertoes.
Masaya na akong idedicate ang kantang ito sa'yo. Hindi ka na nga namin naiisip, nagkakalat ka pa ng lagim. Mahiya ka naman.


sa totoo lang kaya naman namin makipagsabayan sa paninira na ginagawa mo pero hindi namin ginagawa, kasi meron kaming iniingatan na wala ka. Dignidad.

Monday, December 12, 2011

bittersweet december

Dear December,
May dalawang bagay na nagtulak sa akin para mag-blog ngayong gabi

Una, ang aking karanasan sa jeep.

Minabuti ko na lang hindi makipagtalo sa driver (maraming tulad n’ya!) na laging kulang magsukli o hindi ko lang alam na nagtaas pasahe na naman?!

Oo, piso nga lang ang kulang pero nakakainis ang obvious na kasing naka-uniform kami, long sleeves na blouse naka-necktie at ID pa ako,  hindi pa rin estudyante ang turing at singil sa amin buti na lamang may isang batang nangangaroling na nagpasaya ng aking puso.

Eh paanong hindi ka matutuwa sa batang yon sabi n’ya kasi. . .

“we miss you a merry Christmas, we miss you a merry Christmas, we miss you a merry Christmas and a happy nu yir!”

badtrip lang ‘yung nanay na katabi ko panay sabi sa anak n’ya . . .

“oh kapag wala kang pera alam mo na ang gagawin mo ha” (inulit n’ya to ng 100x!)

Oo na, mayaman na kayo, sila ng walang pera! Hindi naman ginusto ng mga batang to siguro na kantahan kami (namamaos na nga si utoy), nakakaiyak lang, kasi pinagmasdan ko s’yang kantahan pa ang ibang pasahero ng ibang jeep, halata sa kanya na pagod na pagod na s’ya at gusto ng tumikim ng max candy.

Moving on. . . Pangalawang reason kaya nagblog ako ngayong gabi ay dahil kay ate na cashier ng super 8!

Sa super 8 kasi may tinatawag silang negocho card, ito yung card na sa tuwing bibili ka ibibigay mo sa cashier bago ka magbayad, sa tuwing gagawin mo ‘yon may corresponding points. So yun, 2 weeks ko ng di nadadala yung card tuwing nag-gogrocery ako (1700-2000 pesos ang grocery namin per week)

Grocery scene. . .
Cashier: Ma’am may negocho card po?
Ako: Naiwan ko po sa bahay.
Cashier: Ay ganon po ba? Sayang naman po.

Ako naman tuloy lang ang paglalagay ng pinamili dun sa silver na parang mesa para mai-punched n’ya na, maya-maya. . .

Cashier: Ma’am sigurado po ba kayong hindi n’yo dala? Kasi sayang talaga ang points! Sayang po s’ya ma’am.

Waaaa. Now I feel bad. I hate you ate! Huhuhu

Feeling ko tuloy may libre na sana akong kotse kung hindi ko naiwan ‘yung card sa bahay. Psh!


Wednesday, December 7, 2011

random 01

Bangag. Antok. Gutom. Napu-pupu.

1. Walang makakasira ng araw ko ngayon. Positive energy! Renewed in spirit. I'm so back on track!

2. Pinagseselosan ako ng isang pitong taong bata, akala ako ay gf nung isang kasama sa station. hahaha (nemen!)

3. Nag-aalmusal ng solo sa MCDO kasi masaya at mamayang 9am may theatre rehearsal, natakot na ako umuwi kasi ang tingin ko sa bahay ay tulugan, baka malate mamaya at masabihan ng "Pekpek ka! Antipatika! bakit ka late hah!"

4.Tinext ko bestfriend ko niyaya ko kumain sa labas sabi ko manlilibre ako ng 7am ng umaga. (HINDI NAGREPLY!)

5. Ninanasang makapanood ng showtime at makapagpapicture kay jugs and teddy!  (bap, wag ng asap xv! gusto ko ng solemnity sa buwan na ito! puro loud music dun! syempre pwera kay jugs and teddy!)

6. Hihingi sana ako ng free newspaper sa Mcdo, gusto ko kasi yung amoy.

7. Sinabihan kong "ayaw mo patalo na lang" ang isang babaeng nagpapalike ng picture sa facebook dahil may photo contest daw.

8. Sinabi kong dati kong manliligaw si Sasuke.

9. Isa lang talaga ang taong iniistalk ko sa twitter at facebook. 

10. Dahil ipinaalala ko kay Kuya Tan ang utang nila sa aking sisig ni Kuya Jerie, sinabihan akong "abaaa, nananakot ka na, porket boyfriend mo si tut** tut** (yung bading na field reporter)

11. Inaantok na ako, dumadami na ang tao dito sa MCDO.

12. Natatae na sana ng biglang makita ang babaeng naka-PE Uniform ngayong holiday!!!

13. Nalaman kong kaya pala holiday ngayon ay Pampanga Day! (Now i know! haha!)

Note: Lahat ng ito ay nangyari ngayong umaga. Pero simula nung isang araw pa daw ako pinagseselosan nung bata.

Tuesday, December 6, 2011

Angry Bird No?!

Dahil ba nauso ang angry birds, kaya dumadami na din ang mga taong magagalitin ngayon?

Dahil sa galit at init ng ulo, maraming taong nag-aaway at ang malala pa dyan,
halos araw araw madidinig natin sa balita, may nagbarilan, saksakan at patayan ng dahil lamang sa galit o init ng ulo? Nakaka-alarma dahil dumadami ang mga taong hindi kayang kontrolin ang kanilang emosyon, karaniwan sa mga taong nababalitang nambaril o nanakit ng dahil sa galit ay hindi po lulong sa droga, hindi sila mga sabog at adik ika nga ng iba at lalong hindi sila kamag-anak ng angry birds na kadalasang nilalaro ngayon.

Ano nga ba ang galit o anger?

Sabi ng mga eksperto natural lang daw magalit, normal daw itong nararamdaman ng tao, sabi pa nga nila kapag hindi ka nagalit kahit minsan sa buhay mo hindi ka tao.
Ang “anger” din ay isang natural response sa threat na nakakatulong para depensahan ang ating sarili.

Bagaman normal ang magalit, ito ay nagbubunga din ng hindi maganda sa tao lalo na ‘yung galit na hindi kayang kontrolin. Ayon sa mga pag-aaral kapag palagi kang galit mataas ang iyong chance na magkaroon ng coronary heart disease, ito din ay maaring magdala sa iyo sa mga sakit na may kinalaman sa stress gaya ng insomnia, digestive problems at sakit ng ulo, ang mas masakit pa dito kapag lagi kang galit at nakasimangot mas marami kang muscles na ginagamit sa mukha at ito ay nagbubunga ng kulubot o wrinkles na maaring pang magdulot ng dagdag na inis lalo na kung hindi mo afford magpabuttocks o magparetoke.

Mahalagang matutunan natin paano kontrolin o puksain ang galit sa ating puso, pero hindi masama na i-express natin ang ating mga sama ng loob, pero hindi sa pamamagitan ng pagganting pisikal, maari nating maipahayag ang ating sama ng loob sa mas sibilisado at kristianong paraan

Lagi lang nating tatandaan na wala tayong karapatang pugutan ng ulo ang sinomang tao na nagdulot sa atin ng sama ng loob.

Paano nga ba natin makokontrol ang ating galit?

1. Ayon sa ating mga dalubhasa makakatulong ang paghinga ng malalim kapag ikaw ay nagagalit, hindi para bumuwelo para sa susunod mong atake pero para irelax ang sarili. Pakalmahin ang sarili sa pamamagitan ng paghinga at pagsasabi ng mga relaxing word gaya ng “relax” o “take it easy”.

2. Pagbabago ng paraan ng pag-iisip. Kapag galit ang tao kadalasan nagiging madrama at over acting tayo, minsan nasasabi nating “wala na sira na lahat, ayaw ko na!” ang marapat nating gawin ay palitan ang mga negative words na ito sa mga resonableng salita, gaya ng “oo nasira nga, pero hindi pa ito ang katapusan ng mundo.”

3. Umisip ng solusyon sa problema, wag daanin sa galit at init ng ulo. Minsan ang problema ang nagdudulot sa atin ng galit, pero kaysa sa magalit pa tayo ang mas magandang gawin ay umisip ng solusyon sa problema.

4. Maayos na komunikasyon. Iwasan ang masyadong pagsasalita kapag ikaw ay galit. Makinig mabuti sa kausap at isiping mabuti ang iyong isasagot. Karaniwan kapag tayo ay galit may mga nasasabi pa tayong hindi maganda na nakakapagpalala sa sitwasyon, kaya sa pagkakataong galit ka isipin mong “less talk, less mistakes!”

5. Humor. Ang humor din ay makakatulong para kontrolin ang galit, kung nakikita mong mukhang halimaw ang iyong kaaway na naglalakad sa hall ng iyong school, mas mabuting isipin isa s’yang bulateng na nakakulay green na skirt. Sa paraang ito, ikaw din mismo makakarealize kung gaano kawalang kwenta ang iniisip mo at ang tama mong gawin ay magpatawad at umisip ng mga positibong bagay.

6. Environmental change. Sabi nila ang paglipat pansalamantala ng lugar ay makakatulong magpakalma sa’yo, maglakad lakad sa may parade grounds, magmuni-muni. Iwasang magmaneho, karaniwan sa mga galit na nagmamaneho ay naaksidente.

7. Kumunsulta sa isang psychologist. Sila ay makakatulong para matutunan mo paano kontrolin ang iyong galit.

8. Manalangin at humingi ng tulong sa Maykapal. Sa mga oras na parang hindi mo na kaya, lumapit ka sa Dios, humingi ka ng gabay at tulong na sana tulungan ka n’yang makapagpatawad.

Tandaan mo kaibigan, hindi masamang magalit, ang masama kung patatagalin natin ‘yung galit sa puso natin.

“Kayo'y mangagalit at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit” – Efeso 4:26

Monday, December 5, 2011

Shuttlecock

“chill!”
“go bebe!”
“gutom lang yan, pakainin!”
“hayaan mo ng maka-score, minsan lang naman!”

Ito ang mga karaniwang maririnig mo sa araw ng badminton game.
Hiyawan, kanya-kanyang cheer at pangungutya sa bawat college.

Pero bago humantong sa sagupaan ang bawat colleges, may mga bagay na dinadaanan ang mga player na hindi alam ng marami. (kaya please, ‘wag nyo kaming pagsabungin, marami sa amin walang lovelife.)

Isang masayang experience sa bawat nilalang na maging asset sa isang samahan, masarap irepresenta ang college mo sa laban at higit sa lahat masarap magkaroon ng free uniform na may tatak ng college, favorite number at apilido mo na sinamahan pa ng logo ng school with the 50years thingy. (yeheeeeyy!!!)

Kaakibat ng practice ay ang pagod, sakit ng katawan at gutom. (tao din kami noh?!). Tapos ang bongga pa nito kailangan naming pumasok sa klase kinabukasan, at mas higit na bongga regular ang klase sa araw ng competition.

Isang nakakaaliw pang karanasan ay makakilala ng mga bagong tao, makabonding sila at maging kaibigan, tapos sisihin mo sila kapag natalo kayo. (pero syempre biro lang ‘yung sisihan part, baka seryosohin na naman ng iba! Bili ka nga ng limang box ng humor para maka-appreciate ka ng joke!)

Masaya naman ang aking karanasan sa pagsali ng badminton team ng CAS.
Lahat sila mababait, cute at handang harapin kahit na dragon, tigre, ahas pa ang kalaban basta ba para sa college. Kahit hindi namin sing-galing ang ibang mga manlalaro, nag-eenjoy naman kami kasi kami na naman ang champion sa debate! :P

CAS Badminton Team with Reg. :P

College Torture.

It’s a bit shocking for me to enter college here in the Philippines after staying many years abroad.

I came back home June 2009 and after two days of staying here I went to AUF and had my entrance exam, because of the AH1N1 influenza I was told not to go inside the campus for 15 days. (yay!)

First day of class experience.

Honestly I’m very excited to go to school, I feel like I’m an elementary kid, very much happy with my new ballpen and notebook.
Anyway, at first I really don’t know how to talk to my classmates. Really. First day of class in college was a torture.

Because I’m really shy during first week of class, I’ll make sure I have my book (Bob Ong’s) for me to read, for me to survive the whole afternoon.

Sharon Cuneta’s song said high-school life is the best, but actually I adore my elementary days and now College days is one of the best experience of my life.

I learned a lot (and still learning.)

I met new friends.

It widens my perspective in life.

Indeed, first day of class was a torture for me, but as the days passes by I found out college is one of the pleasurable experience you can have. 

first community service at bahay pag-ibig with my college classmates

Sunday, December 4, 2011

5 kilong kahihiyan. 3 kilong dignidad. 2 kilong tapang.

5 kilong kahihiyan. 3 kilong dignidad. 2 kilong tapang.

Sa buhay nating mga tao, hindi maiwasan na tuwing tayo ay magkakasama may ilang tao or isang particular na nilalang ang mamumurder sa tsismisan. (ganyan nga, tumango ko na lang.)

Iniisip ko paano nauso ito. Una marahil ay dala ng boredom na sinundan ng inggit at gutom. Hindi ko makita ang rason bakit kailangan pagtsismisan o manira ng kapwa. Sa totoo lang hindi cool. Ito ang tunay na boring.

May ilan naman kunwaring nagtatanong dahil concern, pero sa totoo lang curious at boring ang buhay nya. Meron naman naoobligang magtanong dahil iniisip n’ya yun ang basic na dapat gawin ng isang normal na tao. Pero ‘wag ka, meroon pa ring nagtatanong dahil tunay siyang concern sa’yo.

Mapa-babae, lalake, bading at tomboy lahat tayo mahilig sa tsismis. Ang sarap kasi makinig ng tsismis no?! (Minsan oo, minsan hindi.)

Ano bang meron sa tsismis at baho ng ibang tao?

Siguro para sa ilan, gaya mo, nakakagaan ng loob ang mabalitaang mas “spectacular” ang buhay mo kaysa sa kanya.

Marami na akong narinig na tsismis, at naging biktima na din ako ng mga matang hindi pantay kung tumingin na maaring nagbigay ng kakitiran sa kanyang utak.

Para sa mga backstabber bumili naman kayo ng limang kilong kahihiyan at tatlong kilong dignidad, samahan nyo na rin ng dalawang kilong tapang, kung may problema kayo sa tao mas magandang kausapin n’yo, ‘wag sa talikuran. Nakakababa ng dignidad eh, lalo na ‘yung makikibeso ka pa at ngingiti kapag harapan.

At para naman sa mga supportive friend, ‘wag ng manggatong, para hindi na lalong sumiklab ang damdamin ng taong naapi.

Marahil mas tahimik ang mundo kung iisipin nating lahat na mas mabuti yung ibang tao kaysa sa atin. (naks! Biblical yan!)

"na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pag-iisip, na ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kaysa sa kaniyang sarili"- Fil. 2:3

"do nothing out of selfish ambition or vain conceit. Rather, in humility value others above yourselves"- Philippians 2:3

Pasensya na sa mga nakasamaan ng loob ngayong taon. Patawad. Laging tandaan kung hindi ka marunong magpatawad, wala kang karapatang magkamali. 

Ciao.
Eri

Saturday, December 3, 2011

sum of two and three. . .

Looking at her now makes me smile. How could time flies so fast. It’s been five years since the car accident; it’s been five years when she decided to start her career in the field of TV broadcasting. 

It was like yesterday I saw her, wearing that white blouse that her mother gave to her. I saw her talking to some Japanese Businessman and asking about the latest products and technologies Japan has to offer (for some seeing her is like they wanna say “well she is just a newbie field reporter”).


Oh yeah. I thought she already forgot her Japanese, for it’s been a long time since she talks to someone using that language. Still now she blames her Japanese for always committing wrong grammar in English.

Anyhoo, she’s not your ordinary girl, until now she stills a peculiar one. It’s funny how could she stay the same, same hairstyle . . . same decent clothes, yeah decent . . .she never wear super short shorts and pull it down whenever guy tries to look at their legs.

I admire her staying the same, standing firm to her principles and faith though many times she fall short, she still manages to go on and be better. 

And now, I can see her clearly on my TV monitor with her last name changed, obviously she’s married now but still pursuing her career on broadcasting, telling about good news, that Philippines is a good place to dwell in, that it’s a good place to invest and that Filipinos are still worth dying for.

And i heard from a good friend, she plans to visit her close friends in college and sing with them after her live TV Newscast.

Thursday, November 24, 2011

a name to be proud of

I am Reyna Ericka Cardona Padua.

Sounds from a royal family, eh?

Well yeah, proof is I have a cousin (named) Princess and a nephew (named) King Philip.

According to my wonderful parents they always want the best for us so they named me Reyna, because a Queen is more powerful than a Princess. Lucky enough, I wasn't named as a King . . .(King Ericka!)

Another proof they want the “best” for us is that they named my brother, Ferdinand Marcos Cardona Padua, because our cousin named from one of the famous senator then.(tah-dah!)

Well I got my name Ericka on my father's favorite alias, Eric. Obviously to make it sound feminine they put “ka” on it, that’s why it became Ericka.

WARNING: Don’t you ever misspelled my name Ericka (I have a classmate for 3 years and she still doesn’t know how to spell my name right! She texted me Erica or Erika, duh?!) so for you to be safe just call me Eri. Just never misspelled it. It’s frustrating.

Honestly I’m very happy with my name, not only because my parents gave it to me but also it’s not a nonsensical name.

Definition of my name:
Reyna
Origin: Pure, Clean
Meaning: Queen 


Ericka
ricka, er(ic)-ka\ as a girl's name is a variant of Erica (Old Norse), and the meaning of Ericka is "forever or alone, ruler".
Origin: Norse
Meaning: Eternal or Honorable Ruler

Let me share a story of a guy from high school, he was being bullied in school because of his silly parents who named him Cather. Well, the name Cather is very nice, sounds foreign, but it is not oh-so-nice when your last name is Pilar. Imagine Cather Pilar.

So for the future parents out there give your kids a sensible and a name to be proud of.

 “A good name is rather to be chosen than great riches, and loving favor rather than silver and gold.”- Proverbs 22:1