Sa panahon ng kalamidad gaya ngayon ang boses ng pangulo ay nagiging masarap na samyo para sa ating mga kababayan, boses ni Pnoy ang nais nilang madinig hindi mga boses ng sinomang spokesperson n’ya.
Hindi ko alam kung ang motto ba ni Pnoy ay “less talk less mistakes” kasi kahit nung umattend kami ng 37th KBP Conference hindi din s’ya nagpapresscon, bagaman sinabihan kami na magkakaroon ng presscon. Nagbigay lang s’ya ng napakagandang speech at bumisita sa mga bagong gagamiting technology sa broadcasting nung panahon na ‘yun tapos umalis na s’ya.(infairness, maganda ‘yung binigay n’yang speech)
During the conference inabisuhan pa nga kami na “bawal magtanong”, hanggang sa nagkaroon ng konting initan sa pagitan ng media at mga official na nanduon.
Isa sa natatandaan ko nung mga panahon na ‘yun ay ang matapang na Journalist na si Ma’am Tonnete Orejas at ito ang mga katagang binitawan n’ya. . .
“wag n’yo kami bawalang magtanong, media kami. Trabaho naming magtanong kaya ‘wag n’yo kaming bawalan.”
Isang rason na natatandaan ko bakit ayaw ng pangulo na magpainterview sa media ay dahil sa binabatikos diumano ang kanyang lovelife at pinaparatangan s’yang nag-dodota, pero sana naman sa panahon na ganito na kailangan s’ya marinig ng mga kababayan natin sa Cagayan at Iligan, marinig s’ya.
Bukod sa tulong na magagawa ng pangulo para sa mga taga-cagayan at iligan, magandang madinig din yung suporta at concerned n’ya mula sa bibig n’ya at hindi ng napakarami n’yang tagapagsalita.
S’ya nga pala sa ngayon, wala akong pakialam kung umattend s’ya ng Christmas party o hindi, hindi naman kasi ako apektado kung may raffle o exchange gifts.
No comments:
Post a Comment