2 years ago, hindi ako ganoon ka-vocal sa nararamdaman ko. Madalas kinikimkim ko na lang, dahil paniniwala ko hindi ko kailangan ikwento ang buhay ko sa lahat ng tao. Hindi ko kinukwento kung sino ang crush ko, at lalong hindi ko pinapahalata. Bawal din kiligin kapag kaharap s’ya. Naiinis pa nga ako sa mga babaeng over kung kiligin at over kung magpapansin sa mga lalake.
Sa totoo lang mas madali ko maka-close ‘yung mga hindi kikay at tomboyin sa klase, o kaya mga bakla at mga lalakeng hindi pansinin ng babae.
Feeling ko mas nakakarelate ako sa kajologan nila. . .
Ilan lang ang mga ka-close kong gwapo at maganda, sila ‘yung mga hindi vain, at handang maputikan o kaya handang iangkas ako sa bike nila, gaya nung pogi naming escort nung elementary.
Bagaman tahimik ako sa personal at pribado kong buhay, lahat naman ng naging kaibigan ko ay open sa akin, sa mga problema at crush nila, o kaya sa love life nila, pati nga love life ng ibang tao kinukwento na din nila. (muy tsismosa?!)
Late bloomer ata ako, kasi ngayon ako grabeng kinikilig. Nakikita ko ‘yung sarili ko gaya ng mga high-school na babaeng nagtititili sa mga crush nila pero pormal pa din ako no, kahit kinikilig kailangan pormal, hindi ako tumitili pero gusto ko na, pigil lang kapag ako na lang mag-isa.
Oo inaamin ko, attracted ako sa mga matured na tao (mentally and spiritually). Tapos matalino at magaling magsalita tapos tapos tapos. . . may malalim na dimples, nako wala na! handa ko ng ipamigay ang macbook pro ko mapasa-akin ka lamang haha.
![]() |
DOE Usec Jay Layug during the Energy Forum 2012 |
Madalang lang ako magka-crush, sa 8,000 na population sa school namin, isa lang ‘yung naging crush ko ng bongga, matured s’ya tapos may malalim na dimples.
Pero syempre wala ng hihigit sa 9months kong crush na si Usec Jay Layug. May natural charm kasi itong taong ‘to, ‘yung kahit papasok pa lang s’ya ng pinto ang pogi-pogi na, tapos kapag ininterview pa lalabas ‘yung malalim na dimples n’ya, tapos lahat ng ibabato mong tanong sa kanya nasasagot n’ya ng bonggang bongga. Masayang masaya talaga ako nakita ko ulit s’ya sa personal. Pagbigyan n’yo na ako.
the title is kinda medical, when i come to read,i understand nothing,i guess you should always provide a double copy of what you try to post,in order to avoid such a situation
ReplyDelete