Ang daming batang namamalimos ngayon kahit saan ka tumingin andyang nakasahod ang marurumi nilang kamay at nag-aabang buksan ang anorexic mong wallet.
Gaya kahapon ng tanghali naglalakad kami ng mga kaklase ko papasok na sa school, dadaan kami sa side gate kung saan halos pwedeng pumasok lahat.
Habang naglalakad kami si utoy na kulay gold ang buhok sunod ng sunod at nanghihingi ng barya, tinataboy s’ya ng mga kasama ko, oo, ng mga kasama ko kasi hindi ako nilapitan ni utoy halos magkakulay lang ata kami, duon s’ya nagsusumiksik sa mga mapuputi kong kasama. Persepsyon ata ni utoy kapag maputi rich kid.
Nakakaawa din s’yang tingnan hindi dahil hindi kami nagkakalayo ng itsura, pero sa kulit n’ya nainis n’ya ang kasama ko, nasigawan pa tuloy s’ya. . .papatawid na kami ng kalsada sumunod pa din si utoy, tinakbuhan na s’ya ng mga kaklase ko.
Matapos makatawid ng Mc. Arthur High-way malakas na preno ng sasakyan ang narinig naming lahat, paglingon ko nakahilata na ang makulit na bata, durog ang kalahati ng katawan.
Sa bilis ng takbo ni utoy, hindi ata s’ya namalayan ng 14 wheel cargo truck na paparating. Dead on the spot si utoy.
Nakakatakot.
Kaya ‘wag masyadong masungit sa mga batang pulubi at lagi nating tatandaang na ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli. (Kaw: 19:17)
No comments:
Post a Comment