Saturday, February 25, 2012

Wanted: Cook!

Dahil nilayasan kami ng aming kasama sa bahay (na pabalik na din daw mamaya! Halos 2 ½ na araw din syang nag-emote. Hahaha)

Ako na ang nagkusang magluto at ang mga kapatid ko na ang kusang naglaba ng tambak na labahan!

Dahil sa kinakailangan ko magproduce ng disente at masarap na ulam sa pananghalian, binuksan ko na ang ref, kumuha ako ng karneng manok, sibuyas, bawang, kalamansi (isa na ang nasa isip ko… imamarinate kita! Buwahahah!)

Dahil feeling ko ako si Master Chef ngayon, kinarir ko na ultimo ang paghihiwa ng sibuyas, kunwaring expert ako sa pagdidikdik at paghihiwa, gaya sa bawang kumuha ako ng baso para pukpukin at madurog ng madaling matanggal ang balat, tapos saka ko chinap-chop.(yum!)

Anyhoo, salamat sa Dios nakapagproduce ako ng pagkaing karapatdapat tawaging Ulam.

Sa mga gustong matutunan ang aking masarap na putahe:

1.     Ihanda ang mga gagamiting kasangkapan (sandok, kawali, chopping board etc.)
2.     Dikdikin ang bawang
3.     Maghiwa ng mga kalamansi
4.     Buksan ang pamitang durog
5.     Balatan ang sibuyas at chop-chapin. (ihuli na lang ang sibuyas, kasi sabi nila kapag matagal na expose ang sibuyas madaling kapitan ng mikrobyo, kaya ayon.)
6.     Pag-halu-haluin ang toyo, asin, bawang, pamintang durog, kalamansi at sibuyas. (tikman kung masarap ang pagkakatimpla!)
7.     Ilagay sa kaserola at pakuluan.
8.     Matapos lumambot, ipirito na sa kawaling may mantika (opkors, may mantika!)
9.     Takpan habang ipinipirito, makakatulong yung steam sa pagluluto at pagpapanatili ng amoy.
10. Silip-silipin, baka masunog! (kapag nasunog pumapait…)

Habang nagpipirito gumawa ng sauce! (sarili ko lang gawa to, sa google kasi dami pa sangkap na kailangan… pero ito tinray ko ayus naman kinalabasan!)

1.     Ilagay ang ketchup sa mangkok
2.     Lagyan ng suka. (dapat ¼ ng dami ng ketchup ung sukang ilalagay….tantya tantya na lang!)
3.     Mag-gisa ng bawang at sibuyas. (chop-chapin ng maliliit)
4.     Ibuhos ang ketchup na may suka sa ginigisang bawang at sibuyas.
5.     Haluin.
6.     Pakuluin lang ng sandali.
7.     Tikman at ilagay na sa maliit na mangkok.

anony-chicken with slightly sour sauce 02/26/12


i'm thanking this opportunity na nakapagluto ako for my siblings! We prayed and ate our lunch together. Super nag-enjoy ako. Thank You God! (Indeed, anything happened and happens for a reason)


P.S.: Sarap daw ng niluto ko at they really love the sauce! 


sincerely yours,
Master Chef Eri









No comments:

Post a Comment